Ako ay tao at ako’y makasalanan,
Kasalanang namana kay Eba at Adan.
Minsan ay pumapasok sa aking isipan
Ano kaya ang mundo
kung prutas ay di natikman.
Mananatili kaya tayong simple at hubad ?
Yung Hindi humihiling ng cellphone at ipad.
Makukuntento kaya tayo sa simpleng pamumuhay?
Yung sa hardin lang kukuha ng prutas at gulay.
Hindi na maibabalik ang nakaraan,
Kaya’t kasalanan nila’y atin ng pasan.
Mula pa nang ika’y nasa sinapupunan
At hanggang sa pagtawag ni kamatayan.
Nais ko tuloy bumalik sa pagkabata,
Nung ang puso’t isip ay malinis pa.
Walang bahid ng katampalasan
At ang mga sinasabi ay puro katotohanan.
Ngayon ay nasasadlak sa mundong ginagalawan,
Dahil sa aking sariling kagagawan.
Mga bisyo, lahat ay sinusubukan,
Sa paniniwalang buhay ay walang patutunguhan.
Sa bawat paggising bigat ng loob aking dala dala,
Tinatanong ang panginoon kung may kapatawaran pa ba.
Kung kasalana’y paulit ulit na ginagawa,
Kaluluwa ko siguro’y sinusunog na nga.
Ako’y napaluha sa nakitang
kasagutan,
Mula sa Bibliya ay aking nalaman.
Jesus ang natatangi niyang pangalan
At bumaba siya upang tawagin tayong makasalanan.
Ngayon ko lang naramdaman ang Pagibig na ganito,
Yung taong kayang ibuwis ang buhay para sayo.
Yung pag ibig na bubuo sa pagkatao mo,
Yung pag ibig na walang hinihiling na kahit ano.
Palagi kong tinatanong sa iyo, Diyos ko,
Kung bakit patuloy pa din ang pagmamahal mo.
Sa hindi mabilang na kasalanan ko,
Lahat na yata ng santo sa akin ay susuko.
Nabagbag ang aking damdamin sa sagot mo;
“Anak, Hindi
magbabago ang pagmamahal ko sayo
Dahil gusto kitang isama sa aking paraiso,
Pupunasan ko ang bawat luha sa mga mata mo
Dahil ayokong nalulungkot ka anak ko”
Pagtangis ko ay hindi na napigilan
Parang posporo na agad sinindihan.
Namamayani sa puso ko’y kapayapaan,
Labis na kasiyaha’y walang paglagyan.
Tunay na Naliwanagan na ang pag iisip ko
Ang nais kong makamtan ay ang yakap mo.
Makita ang pangako mong paraiso,
Kasama ang pamilyang minamahal ko.
Ang aking hiling habang nasa mundo,
Sa araw araw sana’y pagpasensyahan mo .
Bigyan ng lakas para labanan ang tukso,
Nang Mabuhay ng tuwid
at nakalulugod sa iyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento