Kung sino ka man na mamahalin ko,
Mga sasabihin ko sayo ay isa puso mo.
Konting mga bagay lamang ito,
Malay mo hanggang sa huli pala ay tayo.
Ayoko sa lalaking mas mahangin pa sa lobo,
Pati yung lalaking gusto lang ay puro Sogo.
Lalo na yung magyayaya sa mamahaling resto,
Hindi man lang sinasabing KKB pala tayo.
Hindi ako yung babaeng mahilig sa material,
Hindi din yung taong tumitingin sa pisikal.
Marami man akong crush na gwapo,
Magkaiba naman ang crush sa mahal diba po?.
Kapag nagtatampo gusto kong Makita ang effort mo,
kung paano mo tatanggalin ang init ng ulo ko.
Parang si Alden kung magpacute
ng todo,
Maiparamdam lang na ako ang Yaya DUB mo.
Tuwing Valentine’s Day gusto kong magkasama tayo,
Hindi mo na kailangang bumili ng mamahaling regalo.
Yakap at ngiti mo lang solve na solve na ‘ko,
Mag iistargazing habang
nakahiga sa damo.
Yung lalaking hindi nagsasawang ipaalala sakin,
Na ang halaga ko raw ay parang bituin.
Malayo at napaka hirap abutin,
Kaya kailanman ay hindi pag iisipang lolokohin.
Kaming mga babae mahilig sa sorpresa,
Yung magbibigay ng sulat nang di namin nakikita.
Yung nakahugis puso at mabangong papel pa,
Dulot nito sakin ay walang kapantay na saya.
Gusto ko yung lalaking kasing tapat ng araw,
Katulad noong siya palang ay nanliligaw.
Hindi pinapansin ang mga babaeng ligaw,
Na ang tanging hangad lang ikaw ay maagaw.
Ang gusto ko lang naman yung pahahalagahan ako,
Yung ipipilit na wag akong susuko.
Laging pinapaalala na kaya natin to,
Dahil ako lang ang gusto niyang makasama hanggang dulo.
Ako yung tipong sweet
kung magmahal,
Yung siguradong ikaw
lang walang sagabal.
Ipagmamalaki kita sa
harap ng barkada,
Hahawakan ang iyong kamay saan man magpunta.
Kaya hihintayin ko ang pagdating mo,
Kahit matrapik ka sa edsa, titiisin ko.
Dahil alam kong wala akong pagsisisihan
Kapag ikaw na ay aking nakamtan.
Sa ngayon aayusin ko ang buhay ko,
Tatapusin ang napili kong kurso.
Para pagdating mo ready na ako,
Mamahalin kita pumuti
man ang buhok mo.
‘
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento